Posts

Showing posts from January, 2012

Sa Tabi ng Lawa ng Taal

Image
Nitong nakaraang Sabado, ipinasyal ng pamilya ang dalawang bisitang taga-New York at ilang mga kaibigan sa tabi ng Lawa ng Taal sa isang resort na matatagpuan sa bayan ng Talisay sa lalawigan ng Batangas. Doo'y nagsalo-salo kami sa isang eat-all-you-can na kainan ng mga lutong Piipino tulad ng Binagoongan at iba pa. Hindi naman sadyang katangi-tangi ang mga lutong pagkain at masasabi kong sapat lamang para mapawi ang gutom. Nguni't ang tanawin sa tabi ng lawa ay sadyang napaka-ganda. Mapalad kami't inabutan namin ang isang napakagandang takip-silim kasabay ng pag sikat ng buwan na sa wari ko'y full moon. Ang mga larawan sa ibaba ay ilang lamang sa marami kong kuha na nagpapa-kita ng mga tanawing aking nakita. Nawa'y magustuhan niyo ang mga ito. Dito ay makikitang para bagang bumu-bukas ang kalangitan at sumi-silip si haring araw. Isang ibon an makikitang animo'y naglalaro sa tubig na sina-salamin ang isang magandang takip-silim. Makikita din s...